Kaysa ang magpantasya ng isang hindi mahawakang realidad
Ang Adan ni Eba na sumasayaw sa kanyang sariling musika
Ay hindi marinig ang aking matalinhagang kanta
Isang araw at isang malakas na harurot
Bahong tambol ang kaba sa asul na suot
Ngunit may tunog ng silindro na pumawi sa kaba
Naganap na ang pagkikita ni Adan at ni Eba
Hingal sa pag-abang sa ilalim ng punong mangga
Makita lamang ang maganda mong mukha
Mga matang nahihiya't nais tumitig
Ay pinipigil ng pusong mabilis na pumipintig
Hindi maipaliwanag, hindi mawari
Mga ngiti mong unti-unting umuukit
Ilang taon? Isang dekada?
Kailangan na nating magkakilala
Patuloy na dadaan sa ilalim ng mga punong mangga
Makikipaglaro sa buhangin hanggang ang swelas ko'y pudpod na
Sa 'di kalayuang sulok ay nakaupo't naghihintay si Adan
Palihim na tinitingnan si Ebang dumaraan.
(for Adam)